Ganap nang kakalas ang Great Britain sa European Union sa Marso 29.
Ito ang inanunsyo ni British Prime Minister Theresa May, siyam na buwan matapos ang isinagawang referendum kung saan, mayorya sa kanyang mga nasasakupan ang pabor sa Brexit.
Kasunod nito, susulatan na ni British Prime Minister ang dalawampu’t pitong (27) bansa na miyembro ng EU hinggil dito.
Una nang nagpahayag ng kanyang suporta si longest reigning monarch Queen Elizabeth II hinggil sa hakbang na ito ng United Kingdom.
By Jaymark Dagala