Napilitan ang British government na bawiin ang kanilang plano na luwagan na ang COVID-19 restrictions ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang inihayag ni British Prime Minister Boris Johnson makaraang maghigpit muli sila sa mga ipinatutupad na quarantine protocols.
Ayon kay Johnson, ito’y dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa matapos silang magdiwang ng thanksgiving nitong nakalipas na linggo.
Kasunod nito, muling magpapatupad ng lockdown ang London at Southeast England kung saan naninirahan ang 1/3rd population ng Britanya.
Ibig sabihin, hindi papayagang makalabas ng kanilang tahanan ang mga tao maliban na lamang kung lubhang kinakailangan.