Niyanig ng magkakasunod na lindol ang isla ng Samos sa Greece kahapon.
Ayon sa National Observatory of Athens, una itong niyanig ng 4.7 magnitude tremor sa 0956 gmt at nasundan ng 5.2 magnitude quake sa 1010 gmt.
Nasundan naman ito ng pangatlong lindol na may magnitude na 4.5 sa 1402 gmt.
Dagdag ng observatory, tumama ang unang dalawang lindol sa dagat na may lalim na wala pang labinapat na kilometro o siyam na milya.
Nabatid na lapitin ng pagyanig ang Greece dahil matatagpuan ito malapit mga linya ng geological fault
Wala namang naiulat na nasawi o sugatan dahil sa nagdaang successive quakes sa Greece.