Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Central Greece nitong Martes.
Ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 57 kilometers hilagang silangan ng Athens.
Tinaya naman sa dalawang kilometro ang lalim ng naturang pagyanig.
Naramdaman din ang lindol sa Athens ngunit wala namang napaulat na nasawi o napinsala.
Una rito, niyanig din ng magnitude 4.7 na lindol ang isla ng Evia sa Central Greece noong Martes, kung saan napinsala ang ilang lumang gusali.