Inihayag ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) na ang pagkakaroon ng green algae sa kahabaan ng baybayin ng isla ay isang natural phenomenon.
Ayon sa grupo, hindi ito senyales ng mas mababang antas ng kalidad ng tubig at normal na dumarami sa tuwing dry season.
Hindi rin anila ito nakalalason at hindi dapat maging dahilan ng pag-aalala.
Inaasahan naman ng Boracay City Environment and Natural Resources na ang algae ay magtatagal hanggang Abril o Mayo.—sa panulat ni Airiam Sancho