Pasok na ang defending champion na De La Salle University (DLSU) sa finals ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament.
Ito’y matapos ilampaso ng Green Archers ang third seed na Adamson University sa iskor na 82 – 75 sa kanilang bakbakan sa Smart Araneta Coliseum.
Magugunitang bago humarap ang DLSU sa Falcons ay mayroon itong twice – to – beat advantage laban sa naturang koponan.
Dahil dito, hinihintay na lamang ng Green Archers ang mananalo sa serye sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University.