Umapela ang grupong Ecowaste Coalition sa mga kandidato na panatilihing malinis ang kanilang kampanya kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy.
Hinimok din ng Ecowaste si Comission on Elections Chairman Andres Bautista na maglatag ng mga hakbang upang maprotektahan ang kasagraduhan ng balota maging ng kapaligiran na dulot ng iresponsableng pangangampanya.
Nanawagan din ang environmental group sa poll body na gamitin ang kapangyarihan nito na atasan ang mga kandidato na maglunsad din ng “green” campaign at iwasan ang tradisyunal na “guns, goons, gold and garbage.”
By Drew Nacino