Nakatakdang maglabas ng tinatayang apat na bilyong piso ang gobyerno para mabigyan ng trabaho ang tatlumpung libong (30,000) manggagawa na apektado ng pagpapasara sa labing apat (14) na mining companies sa Dinagat Islands, Surigao del Sur at Surigao del Norte.
Ayon sa DENR o Department of Environment and Natural Resources, katulong ang iba pang mga ahensya ng gobyerno magkakaroon ng meeting at koordinasyon para lumikha ng mga tinatawag na ‘green jobs’ para sa mga apektadong manggagawa sa minahan.
Kabilang dito ay ang Department of Labor and Employment, technical education and skills development authority at iba pang ahensya.
Sa pagtaya ng DENR, sa probinsya pa lamang ng Dinagat Islands ay limang libong (5,000) mga mine workers na ang mawawalan ng kabuhayan kung tuluyang magsasara ang mga kumpanya ng minahan sa lugar.
By Rianne Briones