Dahil sa banta ng food crisis, nanawagan ng “Green Revolution” ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson.
Isa sa mga guest at resource speaker si Layson sa ginanap na Bagong Balita Media Forum sa Quezon City kahapon.
Bukod kay Layson ay guest din sa forum sina Dapartment of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona.
Ang batikang TV at Radio personality na si Gani Oro ang siyang moderator at host ng Forum na ginanap dakong alas-9 hangang alas 12:00 ng tanghali sa Max’s Restaurant sa Quezon Aveneu, Quezon City.
Ibinahagi ni Layson ang kanyang kaalaman at adbokasiya tungkol sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Ayon kay Layson, ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain, dapat magsimula sa ating mga tahanan, “food security starts at home”.
Nanawagan si Layson sa publiko na magsagawa ng “green revolution” o magtanim ang bawat isa ng sariling pagkain na isa sa mga proyekto noon ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos na ina ng ating Pangulong Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr.
Matagal nang isinusulong at adbokasiya ni Layson ang Urban Gardening na kahit sa mga bote ng softdrinks at mineral water ay maaaring magtanim ng sariling pagkain.
Ani Layson, dapat ding buhayin ng kasalukuyang administration ang programang “Masaganang 99″ ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ni PBBM.
Si Layson ay isang Magsasaka, Reporter ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa (PSN/PM) Kolumista, TV host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV-5, Vlogger at Negosyante.