Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating PNP directorate for intelligence head Gregorio Pimentel bilang deputy director general ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Nilagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Pimentel noong Hunyo 4 ngunit kahapon lamang ito inilabas sa media.
Papalitan ni Pimentel si Jesus Fajardo.
Si Pangulong Duterte ay nagsilbing ninong sa kasal ni Pimentel at DSWD Assistant Secretary Michelle Ortega sa Baguio City noong nakaraang taon.