Muling sumikwat ng panalo ang Oklahoma City Thunders sa 2021-2022 NBA Regular Season.
Niresbakan ng Thunders ang 4th ranked sa Western Conference Division na Memphis Grizzlies sa score na 102-99.
Nagpakawala si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points upang pangunahan ang bumibisitang Oklahoma.
Magugunitang tinalo ng Grizzlies ang Thunders sa kanilang game noong December 3 sa score na 145-67 o 73 point margin, na pinaka-malaking kalamangan ng isang team sa kasaysayan ng nba.
Sa kabila ng panalo, nasa bottom 3 pa rin ng Western Conference ang Oklahoma sa kartadang 10-19.