Normal ang magkaroon ng mga aberya o hindi inaasahang pangyayari sa mga okasyon na labis na pinaghahandaan katulad na lang ng kasal. Pero sa China, ang groom na mismo ang gumawa ng eksena na siyang ikinawindang ng mga bisita!
Ang buong kwento, alamin.
Sa isang video na in-upload sa social media, makikita ang bride at groom na naglalakad sa aisle patungo sa isang stage habang ang mga bisita ay nagsisigawan at nagpapalakpakan sa saya.
Unti-unting nanahimik ang mga bisita at sabay-sabay na tumutok sa isang malaking screen sa stage kabilang na ang ikinakasal.
Hindi nagtagal ay napalitan ng gulat at pagkadismaya ang boses ng mga tao dahil sa hindi inaasahang nasaksihan na video.
Matapos noon ay tinulak ng groom ang bride kung kaya napaatras ito at ibinato sa lalaki ang hawak na bouquet.
Kung bakit ganoon na lang ang panggagalaiti ng groom? Iyon ay dahil nabuking nito na nangangaliwa pala ang kaniyang bride at ang masaklap pa ay ang sariling brother-in-law pala nito ang kalaguyo!
Ang nasabing video na napanood ng mga bisita sa kasal ay ang sensitibong video ng bride kasama ang kaniyang brother-in-law!
Ayon sa ulat, aksidente lamang na nadiskubre ng groom ang pangangaliwa ng bride sa pamamagitan ng camera na inilagay niya sa kanilang bahay.
Dahil dito, naisipan ng groom na ibulgar ang tinatagong sikreto ng babae sa araw mismo ng kanilang kasal upang masiguro na malalaman ng kanilang mga pamilya at kaibigan ang kasalanang ginagawa nito.
Matagumpay man na nagawa ng groom ang plano, nakatanggap pa rin ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizen katulad ng isang nagsabi na sana ay nakipaghiwalay na lang ang lalaki sa halip na nagsayang ng libu-libong pera sa kasal.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang malagay sa sitwasyon ng groom?