Tumaas ang gross gaming revenues ng Philippine Amusement and Gaming Corporation mula sa gambling operations ng bansa sa unang siyam na buwan ng taon.
Ayon sa PAGCOR, umabot sa ₱205.15-B ang kita sa mga pasugalan mula Enero hanggang Setyembre.
Mas mataas ito ng 8.4% kumpara sa ₱189.19-B na naitala ng ahensya kaparehong panahon noong 2019 bago pa ang pandemic.
Dagdag pa ng PAGCOR, umakyat sa 20% ang kabuuang gross gaming revenue ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon, kumpara noong 2022. - sa panulat ni Charles Laureta