Nais gumawa ng hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan ang kurapsyon sa gobyerno at ito ay sa pamamagitan ng Gross Income taxation system.
Sa talumpati sa Bataan, sinabi ng pangulo na mas makakabuti kung ipatupad ang isang gross income taxation system computation ng corporate taxes para mapigilan ang kurapsyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Hindi naman na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang pangulo hinggil sa kaniyang panukala.
Gayunman, naniniwala ang pangulo na kapag nagkaroon ng ganitong sistema tulad sa ibang bansa, 70% ng kurapsyon sa gobyerno ang mawawala.
Gusto ninyong mahinto ang corruption? O ito, tanggalin natin ang neto (net income) at pupunta tayo doon sa gross sa BIR. Pag ‘yan ang isunod natin kagaya ng Hongkong, Singapore, Brunei, and the rest, you would have removed about 70% of the corruption,” — Pangulong Rodrigo Duterte
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hindi na kailangan pa ng tax examiners kung ang gross income taxation system ang gagamitin sa pagku-kwenta ng corporate taxes.
Sinasabing ang mga tax examiners ang tunay na nakikinabang sa kasalukuyang sistema ng corporate tax collection.
I guarantee you, ‘pag pumunta tayo ng gross wala na examiner, wala ng deduction then they do not haggle for anything. ‘pag nandiyan ‘yung resibo, ‘yan na ‘yun. Wala ng istorya,” dagdag ng pangulo.