Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Light Rail Transit Authority Administrator Renato Berroya ang groundbreaking ng LRT Line 2 East Masinag extension kahapon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang mga ito ay ang Masinag at Emerald Stations na magdudugtong sa linya ng Santolan hanggang masinag Antipolo.
Mapabibilis aniya ng 40 minuto ang biyahe ng mga pasahero mula Recto hanggang Masinag, kumpara sa biyahe sa jeep at bus na inaabot ng tatlong oras.
Ipinabatid ni Abella na bahagi ito ng build-build-build infrastructure plan at inaasahang makapagsasakay ng 80,000 pasahero kada araw.
Ang naturang proyekto ay inaasahang matatapos sa August 2018.
By: Meann Tanbio