Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang ground breaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino sa Palayan City, Nueva Ecija.
Sa oras na matapos, aabot sa 44 na gusali ang maitatayo na naglalaman ng 11,000 housing units.
Tampok din sa proyekto ang isang market area, livelihood center, health center at elementarya, bukod sa iba pang nakaplanong amenities at imprastraktura.
Bago ang programa, isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ilang pang ahensiya ng gobyerno bilang pagpapakita ng pangako sa mga estratehiya sa pagpopondo ng mga proyekto sa pabahay.
Ang programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino ay flagship housing project ni PBBM na layong makapagpatayo ng bahay para sa 6M Pilipino na makalikha ng 1.7M trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028.