Pinayagang mabisita ng nasa lima hanggang pitong libong residente ang kani–kanilang tahanan na nakatayo sa tinatawag na “ground zero” o lugar na pinakamalubhang naapektuhan ng giyera sa Marawi City.
Ayon kay Marawi Mayor Majul Usman Gandamra, partikular na pinayagang makapasok ang mga residente na naninirahan sa Barangay Daguduban at Tolali simula kahapon ng alas–siyete ng umaga hanggang bukas ng alas tres ng hapon.
Bubuksan din aniya ang iba pang mga barangay sa Mayo 10 batay sa itinakdang schedule ng Task Force Bangon Marawi.
Tiniyak naman ni Gandamra na tanging ang mga nasa opisyal na listahan lamang ng pamahalaan ang papayagang makapasok sa “ground zero” upang hindi maapektuhan ang isinasagawang rehabilitasyon sa lungsod.