Ibinaba na ng gobyerno ang growth projections ng remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) para sa taong ito.
Ito ay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa iba’t-ibang bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mula sa $34.5-B na remittance ay ginawa na lamang ito na $34.2-B.
Inaasahan kasing maapektuhan ang remittance ng mga OFW kasunod ng pagkalat ng naturang sakit.
Ngunit ayon kay Nograles, kahit pa ibinaba ang projection ay maituturing pa rin itong record high kumpara sa $33.5-B na naitalang remittance noong 2019.
Aniya point 1% lamang ang total remittance mula sa mainland China na sentro ng COVID-19, .4% mula sa Macau at 2.7% naman sa Hong Kong.
Kumpiyansa naman ang gobyerno na magbibigay ayuda ang mga remittance na manggagaling naman sa America, United Arab Emirates at Saudi Arabia.