Patuloy ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang highly urbanized cities.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ng pinakamataas na growth rate mula January 12 hanggang 18 ang Tacloban na may 469%, Cebu na may 378% at Davao na may 305%.
Nasa severe level naman ng Average Daily Attack Rate (ADAR) ang Baguio City at NCR na may 130.56 at 111.47 na ADAR.
Nakapagtala naman ng pinakamataas na reproduction number hanggang nitong January 15 ang Tacloban na may 4.59, sinundan naman ng Cebu City na may 4.51 at Baguio City na may 4.28.
Samantala, sinabi ng OCTA na patuloy na bumabagal ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.