Nakaranas umano ng harassment ang technical group ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula sa Chinese military sa Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa ulat, ang nabanggit na team ay sakay ng cessna plane at malapit nang mag-landing nang makatanggap sila ng mensahe mula sa Chinese Navy na nagbabawal sa kanilang mag-landing.
Sinasabing binalewala lamang ng piloto ng cessna plane ang naturang mensahe at itinuloy pa rin ang pagla-landing.
Wala naman umanong pagbabanta na babarilin sila ng Chinese Navy.
Nagtungo ang CAAP team sa Pag-asa Island para i-check kung saan maaaring itayo ang radar na makatutulong sa pagmonitor sa mga commercial flights na dumaraan sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio