Buo na ang grupo na gagawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Sim Card Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, October 10.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo na mayroon silang 60 days para ma-comply ang submission ng IRR ng nabanggit na batas.
Nilinaw din niya na sakaling ma-finalize ng ahensya ang irr ay gagawin na nila ito katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC), National Privacy Commission (NPC) at consumers group.
Bukod dito, may basic requirements din aniya ang naturang batas tulad ng valid I.D. para ma-verify ang pagkakakilanlan ng end-user at kailangan ring maglagay ng pangalan, address, mobile number, birthday at edad.
Samantala, sinabi ni Lamentillo na malaki ang maitutulong ng Sim Card Registration Act para maiwasan ang online scam.