Sumabak sa back-to-back na sortie sa Kalookan ang Trabaho Partylist kasama ang celebrity advocate nito na si Melai Cantiveros-Francisco at mga nominee na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez.
Kabilang ang Team Aksyon at Malasakit slate, sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan, nagpasalamat ang grupo sa suporta at pagmamahal mula sa mga “Batang Kankaloo”- moniker para sa mga lehitimong residente ng Kalookan.
“Thank you sa inyong suporta sa ating Mayor Along at Cong. Oca at pati kami ay nadamay sa suporta ninyo para sa 106 Trabaho Partylist. Maraming salamat!,” wika ni Cantiveros-Francisco habang nakikipagkulitan sa mga sumasalubong na supporters.
“Lahat dito sa Trabaho Partylist ay pakikinggan ang inyong mga boses,” dagdag pa niya.
Nabatid na sa dalawang araw na sortie nitong Linggo (Marso 30) at Sabado (Marso 29) inikot ng mga kandidato ang mga Distrito 1, 2 at 3 sa North Kalookan at South Kalookan lulan ng motorcade.
Sa datos ng Commission on Elections noong 2022, mayroong 700,000 na rehistradong botante ang Kalookan- kung kaya’t isa ito sa mga binansagang “vote-rich city”.
Sang-ayon sa kanilang plataporma, ang Trabaho Partylist ay patuloy na nagsusulong na itaas ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtiyak ng makatarungan at marangal na trabaho na magbibigay ng magandang buhay sa lahat ng Pilipino.