Naniniwala ang isang grupo ng mga public utility vehicle (PUV) drivers sa San Juan City na malabong magbebenepisyo sila sa fuel subsidy ng gobyerno.
Ayon kay Rolando Miguel Carrasco, lider ng San Juan-Kalentong-Little Baguio Drivers and Operators Association, posibleng ang mga PUV operator lang ang makikinabang sa ayuda dahil sinasabing ipapangalan ito sa kanila at hindi sa mga tsuper.
Binigyang diin ni Carrasco na dapat nakapangalan sa mga driver ang subsidy dahil hindi lang naman ang mga operator ang bumibili ng diesel sa araw-araw nilang operasyon.
Matatandaang inanunsiyo ng pamahalaan na aprubado na ang isang bilyong pisong fuel subsidy para sa mga PUV driver kasunod ng pagsipa ng presyo ng mga produktong pretrolyo.