Pinalagan ng Alliance of Health Workers o AHW kabiguan umano ng gobyerno na i-prayoridad ang public health dahil sa tinapyasang budget ng 76 na public hospital sa susunod na taon.
Ayon sa grupo, tila hindi tugma ang P242 bilyong proposed budget para health sector lalo’t 33% nito ay inilaan para sa Philhealth.
Sa katunayan ay P157 bilyon lamang ang inilaan sa Department Of Health sa ilalim ng Office of the Secretary.
Anim na beses umanong maliit ang pondo ng DOH sa P686.1 bilyon na proposed budget ng DPWH.
Sa halip din anila na itaas ay tatapyasan ang budget para sa maintenance and other operating expenses ng mga pagamutan.
Kabilang sa mga apektado ang Philippine Children’s Medical Center at Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute at Philippine General Hospital.—sa panulat ni Drew Nacino