Nagsimula nang mag-kampo sa University of the Philippines (UP) ang Indigenous people groups.
Ito ay bilang protesta sa pagkakapaslang sa 19 anyos na si Obillo Bay-Ao, isang Lumad student ng Salugpongan Community Learning Center sa Davao City.
Si Bay-Ao, ayon sa SOS o Save our Schools Network ay binaril ng mga pinsan niyang miyembro ng anticommunist group na Alamara at CAFGU member.
Ibinunyag ng SOS Network ang anila’y pangha-harass ng militar at para military troops sa Lumad community sa Talaingod dahil sa dudang sympathizers sila ng NPA o New People’s Army.
Ang SOS Network ay mananatili sa UP Campus hanggang Setyembre 22 para paigtingin pa ang kanilang protesta sa pagpatay sa Indigenous peoples sa Southern Mindanao.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE