Nakatakda nang umalis ang grupo ng mga kabataan sa Pagasa Island sa Spratlys ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Vera Joy Ban-eg, Co-convenor ng “Kalayaan Atin Ito” o KAI.
Pumunta ang grupo sa nasabing isla para igiit ang soberenya ng Pilipinas laban sa China.
Una nang kinontra ng pamahalaan ang naturang hakbang dahil na rin sa isyung pangseguridad.
By: Meann Tanbio