Sumisigaw ng hustisya ang isang grupo ng mga katutubong Lumad matapos mapaslang ang tatlong miyembro nito sa Surigao del Sur.
Nakilala ang mga biktima na sina Emerito Samarca, Executive Director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development o ALCADEV; Dionel Campos, Chairperson ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod o MAPASU; at pinsan nitong si Bello Sinzo.
Kinilala naman ng grupong Karapatan ang mga hinihinalang suspek sa pagpatay kina campos at sinzo na sina Loloy Tejero at Bobby Tejero ng Magahat/Bagani force.
Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, ang para-military groups ay sinasabing ginagamit ng 36th infantry battalion para maghasik ng gulo sa komunidad ng mga Lumad.
Sinabi naman ni Colonel Isidro Purisima, Commander ng 402nd infantry brigade, na iniimbestigahan na nila ang naturang insidente.
By: Jelbert Perdez