Umaasa ang isang grupo ng mga abugado na mari-respeto ang mga karapatang pantao at sistema ng hustisya sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Ayon sa Secretary General ng National Union of People’s Lawyers na si Attorney Edre Olalia, nais nilang hindi na magkaroon ng human rights abuse victim.
Kaugnay nito, hinihiling ng National Union of People’s Lawyers na mapalaya na ang mga political prisoner.
Magugunitang tinanggihan ng Aquino Administration ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal.
Una nang sinabi ng grupong Karapatan, may higit sa 500 bilanggong pulitikal sa kinulong sa maling paratang.
By: Avee Devierte