Nagsanib-pwersa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) upang isulong at matiyak ang malinis, maayos at tapat na halalan.
Nitong Lunes ay lumagda ng isang Memorandum of Agreement ang dalawang organisasyon.
Ayon kay IBP National President Burt Estrada, tutulong sila upang maipaalam sa publiko sa iba’t ibang batas hinggil sa eleksiyon, mga isyu at mga proseso.
Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Ona Caritos, pagtutuunang pansin ng dalawang grupo ang mga maling impormasyon kung saan magsasagawa sila ng public activities at ilan pang mga hakbang.
Una rito, nanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) ang poll watchdog na kontra daya para sa malinis at tapat na pagdaraos ng eleksyon.—sa panulat ni Hya Ludivico