Naghain ng petisyon ang isang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema ngayong Sabado, Hulyo 4, sa pangunguna ni Atty. Howard Calleja, para hilingin ang temporary restraining order (TRO) sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Bukod sa TRO, kabilang sa kauna-unahang petisyon kontra sa naturang batas hiling din nito ang writ of preliminary injuction para mapigilan ang naktakdang implementasyon ng naturang batas sa Hulyo 19.
Nais din ng mga petitioner na mapawalang bisa ang 10 sections ng naturang batas dahil may mga nilalabag ito sa anila’y karapatang pantao.
Kabilang dito ang sections 3, 4, 5, 9, 10, 16, 17, 25, 26, 29, at 54.
Kasunod nito, nakatakdang magtungo ng personal sa Korte Suprema ang naghain ng petisyon dahil isinumite lang ito sa pamamagitan ng e-filling.
Nauna rito, siniguro ng mga may akda ng naturang batas, na puno ito ng safeguards at tiniyak ding hindi ito maaabuso.