Umapela ang grupo ng mga bus operator sa pamahalaan na ibalik ang mas mahigpit na pagpapatupad sa yellow lane policy para sa mga pampublikong bus.
Ayon kay Homer Mercado, Presidente ng Southern Luzon Bus Operators Association o SOLUBOA, maganda ang patakarang ito ng noo’y Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando kung saan ang yellow lane ay para lamang sa mga bus.
Samantala, sinabi naman ni Mercado na handa silang sundin ang mga batas at regulasyong ipatutupad ng pnp highway patrol group para malunasan ang trapiko sa EDSA.
Idinagdag pa ni mercado na handa rin silang tumalima sa ipatutupad na 30-second pick-up rule ng Highway Patrol Group.
By: Meann Tanbio