Namigay ang grupo ng mga Chinese ng libreng facemask sa Maynila matapos na magkaubusan ng face mask sa merkado kasunod ng kumpirmasyon ng kauna–unahang kaso ng novel corona virus sa bansa.
Kahon-kahong mga facemask ang ipinamigay ng mga Chinese sa labas ng Lido de Paris Hotel sa Ongpin Street Binondo Maynila kahapon.
May mga naka sulat pa sa mga kahon ng facemask na ang naturang mga mask ay laan lamang para sa mga Pilipino.
Naging positibo naman ang pagtanggap dito ng mga publiko kung saan marami ang pumila dito para makatanggap ng facemask habang ang ilan ay nagpahayag pa ng pasasalamat sa social media.
Una nang nakatanggap ng diskriminasyon ang mga Chinese sa bansa kasunod ng mabilis na pagkalat ng nCoV sa iba’t ibang bansa.