Hindi pa rin buo ang suporta ng grupo ng mga doktor sa posibleng pagbaba ng Metro Manila sa alert level 1 pagsapit ng Marso.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians na maraming dapat ikonsidera kung tuluyan nang ibababa ang restriksyon sa rehiyon.
Una, kailangang handa ang lahat ng sektor kasama ang edukasyon at transportasyon maging ang pagiging komportable ng health workers.
Pagsubok kasi aniya sa gobyerno kung muling tataas ang kaso ng Covid-19 at marami ang mahahawa. —sa panulat ni Abby Malanday