Hinimok ng grupo ng mga doktor ang gobyerno na ipagpaliban muna ang pagluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila at karatig nitong lalawigan dahil nananatili pa ring puno ang mga intensive care units o ICU.
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, president ng Philippine College of physicians, mas makabubuti kung mananatiling pa rin sa general community quarantine (GCQ) ang status sa NCR plus ngayong linggo.
Ito’y para aniya magkaroon pa ng panahon para pag-aralan ng mabuti kung mayroon bang pagbabago sa bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Giit ni limpin, bagama’t nabawasan ang bilang ng COVID-19 case ngayon kumpara nuong Marso at Abril marami pa rin ang pasyente na may severe o kritikal na kondisyon dahil sa COVID-19 kaya puno pa rin ang ICU.
Una rito, sinabi ng malakaniyang na posibleng mas maluwag nang GCQ ang pairalin sa NCR plus dahil umano sa pagbabago ng bilang ng COVID-19 case sa bansa.