Nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga doktor laban sa panibagong virus na Omicron variant na unang na-detect sa South Africa.
Ayon sa Philippine College of Physicians, kailangan pa na mas higpitan ang mga biyahe maging sa pagpasok ng ibat-ibang mga dayuhan sa Pilipinas.
Sa naging pahayag ni President Philippine College Physician Dr. Maricar Limpin, hindi tayo sigurado kung ano at sinong mga travelers ang papasok sa Pilipinas na may dalang Omicron variant.
Sinabi din ni Limpin na mas magiging ligtas para sa bawat isa kung ipatutupad ang one policy sa bansa upang mailayo ang publiko laban sa banta ng Omicron virus. —sa panulat ni Angelica Doctolero