Nangangamba ang isang grupo ng mga doktor sa pagbaba sa alert level 3 ng Metro Manila simula kahapon, oktubre 16.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians (PCP) ay dahil hindi pa nakakahinga ang health workers sa pagsirit ng kaso ng COVID-19
Bukod dito, ipinabatid ni Limpin ang pag a-alala nilang mga doktor kung hindi kaagad maka-responde ang gobyerno sakaling tumaas ang infections.
Sinabi ni Limpin na kung ibabatay sa mga naging karanasan noon, sa tuwing magluluwag ng restriction may kasama aniyang pagkalimot ang mga pilipino.