Wala pang napagkakasunduan ang mga grupo ng mga doktor sa desisyon kung posibleng itaas ang alert level system sa Metro Manila.
Sa kabila ito ng banta ng Omicron variant ng COVID-19 at patuloy na pagtaas ng naitatalang arawang kaso ng sakit.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Presidente ng Philippine College of Physicians (PCP), wala pa silang naiisip na desisyon dahil maganda ang resulta ng kasalukuyang alert level na limitado ang mga taong lumalabas.
Pero aniya, aminado silang natatakot lalo’t puno na ang Emergency Department at karamihan ng naka-admit sa ICU at ward ay hindi mga bakunado.
Samantala, hindi naman nagustuhan ni limpin ang sinabi ng isang ekperto na itinuturing ang omicron variant bilang katapusan ng pandemya.
Maaga pa kasi aniya para ito sabihin dahil marami pa rin ang tinatamaan ng sakit. —sa panulat ni Abigail Malanday