Nananawagan sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang grupo ng mga fast food worker na siguruhing maipatutupad ang kautusan gawing regular ang nasa 6,400 empleyado ng Jollibee at Burger King.
Ayon sa grupong Respect Fast food Workers’ Alliance, mananatili lamang press release o papogi ang kautusan ng DOLE hanggat hindi ito naipatutupad ng mga kumpanya.
Nangyari na kasi anila noon na naglabas ng kaparehong kautusan ang DOLE pero hindi naman ipinatupad ng mga kumpanya hanggang sa matanggal na lang sa puwesto ang mga empleyadong nakatakda sanang ma-regular.
Nawawalan na anila sila ng pag-asa sa pangako ng Pangulong Duterte noong kampanya na tatanggalin na ang kontraktuwalisasyon.
Posible rin aniya nilang ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
—-