Humihingi ng dagdag na 3% hanggang 4% na dagdag sa presyo ang isang grupo ng mga gumagawa ng sardinas.
Ayon kay Francisco “Bombit” Buencamino, Executive Director ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), krusyal ang langis sa kanilang operasyon lalo na’t ito ang nagpapatakbo sa mga bangka na ginagamit sa paghuli ng mga isda.
Sinabi ni Buencamino na 2019 pa pinakahuling naaprubahan ang dagdag presyo sa kanilang produkto gayung halos taun-taon ay nagkakaruon ng serye ng pagtataas sa halaga ng langis.
Inamin ni Buencamino ang pressure na palakihin ang produksyon ang catching season sa siyam na buwan kada taon at ang tatlong buwang nalalabi ay non-fishing season para maka recover ang sardine population.