Ikinabahala ng Teachers Dignity Coalition ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency na isailalim sa mandatory drug test ang mga Grade 4 students pataas.
Ayon kay TDC national Chairperson Benjo Basas, masyadong bata ang target na estudyante ng PDEA.
Binigyang diin nito na kung pursigido ang PDEA sa kanilang panukala, kailangang amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakasaad sa naturang batas na ang drug testing ay maaari lamang gawin sa mga mag-aaral na nasa high school at college.
Kayat hiling ni Basas sa Department of Health, huwag payagan ang panukala ng PDEA.