Nagsagawa ng protesta ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila kahapon.
Ayon sa grupo, ito’y para muling ipanawagan ang pagbawas ng buwis sa mga allowance at election honorarium na kanilang natatanggap.
Anila, sa makukuha nila sa pag-upo sa darating na halalan ay nasa dalawampung porsyento na ang buwis mula sa limang porsyento.
Samantala, sinabi ng grupo na may sapat na pondo ang COMELEC para dagdagan ang bayad sa serbisyo ng mga poll workers at hindi para bawasan. – sa panulat ni Airiam Sancho