Sinugod ng mga guro ang Mendiola sa Maynila.
Sinuong ng grupo ang malakas na ulan para igiit ang mataas na suweldo at mga benepisyo bilang pagdiriwang ng World Teacher’s Month.
Bahagi ng programa ng grupong ACT o Alliance of Concerned Teachers ang paglalagay ng mahabang lamesa kung saan sila nagluto ng itlog, noodles at pritong isda para sa kanilang almusal.
Ang mga nasabing pagkain anila ay sumisimbolo sa mababang sahod ng mga guro.
Kasabay nito, ipinanawagan din ng ACT na tuluyang matuldukan ang privatization at commercialization ng edukasyon.