Umalma ang ACT-Teachers Party-list Group sa paratang ng militar na kabilang sila sa ‘Red October’ plot o pagkilos para patalsikin ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, talagang Red Day para sa kanila ang October 5 dahil ginugunita sa araw na ito ang World Teachers Day.
Isang pambansang pagkilos anya ng magaganap sa October 5 upang iparating sa pamahalaan ang hinaing ng mga guro.
Tinukoy ni Castro ang pangakong dagdag sahod ng Pangulo para sa mga guro at ang hindi magandang working conditions dahil sa kakulangan ng education support personnel.
“Parang nagha-hallucinate ang military natin kaugnay nitong Red October dahil ang October talaga ay hindi lang din buwan ng mga kaguruan eh peasant month din ito kaya may mga natural na protesta ng mga magsasaka, sa bahagi naman ng mga guro natural din ito dahil World Teachers Day nga, parang ang AFP ay ni-li-link nila ‘yung mga demokratikong pagkilos ng mga kaguruuan, ng mga mamamayan dito sa sinasabi nilang, imbento nilang Red October plot.” Pahayag ni Castro
(Ratsada Balita Interview)