Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga health workers kaugnay sa one-covid-19 allowance (OCA) na matagal na nilang hindi natatanggap.
Ayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union (JRMMCEU), nakapasok na sa general appropriations act ang pondo para sa benepisyo ng mga health workers pero hanggang sa ngayon ay hinihintay parin nila na ibigay ito sakanila ng gobyerno.
Nilinaw ng naturang grupo na marami pa sa mga nurses partikular na ang mga nasa pampublikong ospital ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo hanggang ngayon.
Bukod pa dito, mula pa noong July 2021 hanggang December 2021, nakalutang parin umano sa hangin ang health emergency allowance ng mga healthcare workers.
Sa kabila nito, umaasa ang grupo ng mga health workers na matutugunan ng gobyerno ang matagal na nilang hiling na ibigay na ang allowance na nararapat para sa kanila.