Kinalampag ng mga grupo ng mga health workers ang tanggapan ng budget department.
Ito’y para ipanawagan sa ahensya na i-release na ang kani-kanilang mga performance based bonus (PBB) na saklaw ang mga taong 2018 at 2019.
Ayon kay Jever Bernardo, presidente ng National Children’s Hospital Employees Association, dismayado na sila sa anila’y hindi maayos na pagtrato sa kanila ng pamahalaan.
Bukod sa PBB, hinihirit din ng mga health workers ang pagbibigay na ng hazard pay at special risk allowance.
Ayon naman kay Cristy Donguines, presidente ng employees union ng Jose Reyes Memorial Medical Center, panahon nang umentuhan ang sahod lalo na ng mga manggagawang nasa sektor ng kalusugan.
Iginiit din ni Donguines, na ‘demoralized’ na ang mga manggagawa sa sektor ng kalusugan dahil sa hindi patas na pagbibigay ng mga dapat na tinatamasa nilang benepisyo.