Dismayado ang grupo ng mga healthcare workers sa napaulat na nabakunahan na ang ilang miyembro ng militar at kalihim taliwas sa pangako ng gobyernong uunahin ang frontliners sa pandemya.
Ayon sa Coalition of the People’s Right to Health, kanilang ikinagulat na nauna pang mabakunahan ang mga miyembro ng Presidential Security Group gayong mismong pamahalaan ang naglatag ng listahan ng mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine.
Kinuwestiyon din ni Dr. Joshua San Pedro, co-convenor ng grupo ang pagtuturok ng bakuna sa mga ito kahit pa hindi ito rehistrado o aprubado ng Food and Drug Administration.
Giit pa ni San Pedro dapat ay maging transparent ang gobyerno sa kung ano ang ginamit na bakuna para matiyak ang kaligtasan ng mga binakunahan.