Isa pang disqualification case ang inihain laban kay presidential aspirant Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., sa Commission on Elections (COMELEC).
Ang panibagong petisyon ay inihain ng grupong ‘Pudno Nga Ilokano’ o Tunay na Ilokano, kung saan iginiit ng mga ito na walang solid North.
Tulad ng mga naunang petisyon laban sa dating senador, ipinunto ng grupo ang 1995 Tax Evasion Case Conviction nito dahil sa hindi paghahain ng Income Tax Returns.
Sa ngayon, walo na ang nakahaing petisyon laban sa presidential bid ni Marcos kung saan apat dito ay disqualification cases, tatlong petisyon upang kanselahin ang kanyang certificate of candidacy at isang petisyon upang ideklara siyang nuisance candidate.
Samantala, nanindigan ang kampo ni Marcos na ang lahat ng mga petisyon ay panggulo o ”nuisance cases” lamang.
Nakiusap rin ang tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez sa mga petitioner na igalang ang taumbayan at ang kanilang karapatang mamili para sa kanilang kinabukasan.