Nangako ang mga grupo ng inmates na nasa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) na kumalas sa anumang uri ng gang activity o pangkatang aktibidad sa loob ng pambansang bilangguan.
Kasabay nito ay ang pagpirma ng kasunduan ng 12 lider ng tinatawag na barangay sa nasabing compound na may 22 puntong pangkat ng tuntunin.
Nakapaloob sa kasunduan na dapat pangunahan ng mga NBP inmates ang pagkalas sa anumang uri ng gang system na may kaugnayan sa krimen kagaya ng droga.
Kasama rin sa mga patakarang nakapaloob sa naturang kasunduan ang pagpigil laban sa kaguluhan, pagtatago ng mga iligal na armas, pagsusugal, panggagantso, at pagnanakaw.