Nanindigan ang Samahan ng Progresibong Kabataan o SPARK sa kanilang hirit na temporary restraining order (TRO) laban sa curfew ordinance sa Maynila, Quezon at Navotas cities.
Ayon kay SPARK Spokesperson Joanne Lim, may mga nakita silang butas hinggil sa pagpapatupad ng curfew sa tatlong nabanggit na lungsod na kinatigan ng Supreme Court.
Bahagi ng pahayag ni SPARK Spokesperson Joanne Lim
Ipinaliwanag din ni Lim kung bakit ang tatlong lungsod lamang ang naging saklaw ng kautusan ng SC.
Samantala, posible rin anyang maging epektibo sa buong bansa ang TRO na nagpapatigil sa pagpapatupad ng curfew dahil sa domino effect ng kautusan ng Supreme Court.
Bahagi ng pahayag ni SPARK Spokesperson Joanne Lim
Series of dialogue with LGUs
Isinusulong ng SPARK o Samahan ng mga Progresibong Kabataan ang serye ng dialogue sa mga local government units (LGUs) kaugnay sa ordinansa sa curfew.
Partikular dito ayon kay Joan Lim, Spokesperson ng SPARK ang mga lungsod ng Quezon, Maynila at Navotas.
Sinabi sa DWIZ ni Lim na mabuting mapag-usapan ang nasabing ordinansa na ipinatitigil pansamantala ng Korte Suprema.
Bahagi ng pahayag ni SPARK Spokesperson Joanne Lim
By Drew Nacino | Judith Larino | Ratsada Balita