Pinaiimbestigahan ng samahan ng mga mag-aasukal ang umano’y tangkang pag-areglo ni dating Land Transportation Office (LTO) Chief Virgie Torres sa mga nasabat na smuggled na asukal kamakailan.
Ayon kay Manuel Malata, Chairman Sugar ng Alliance of the Philippines, may ebidensyang makakapagturo na si Torres ang nagmamay-ari ng nakuhang 100 milyong halaga ng mga asukal.
Aniya, maging sila ay nagulat sa lakas ng loob ni Torres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may taong harapang pumunta sa Customs upang aregluhin ang iligal na kontrabando.
Samantala, una nang pinapurihan ng Malakanyang ang ginawa ng Customs na hindi pagbigyan ang pag-aareglo ni Torres.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang ipinakita ng Customs ay bahagi ng Tuwid na Daan ng administrasyon kung saan walang sinisino kapag mali ang ginagawa.
By Rianne Briones